^

Metro

Ginang dedo sa ambush

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines -  Dead-on-the-spot ang isang babae matapos na bistayin ng bala ang minamaneho nitong kotse ng tatlong armadong suspect sa intersection ng Fairview sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Sheryl Agnes Sarmiento, 39, isa umanong events organizer at naninirahan sa Dart St., Brgy. West Fairview sa lungsod.

Si Sarmiento ay nagtamo ng hindi mabilang na tama ng bala sa buong katawan mula sa armalite rifle at kalibre 9mm na baril. Ang mga suspect na pawang mga nakasuot ng bonnet na itim ay mabilis na tumakas sakay ng isang van.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, corner Regalado St., West Fairview ganap na alas-9:30 ng gabi. Sakay ng minamanehong Toyota Altis (NIU-285) ang biktima at tinatahak ang naturang lugar nang pagsapit sa intersection ng Regalado St. ay biglang hinarang ito ng isang van.

Ayon sa saksi, tatlo sa mga sakay ng van ang biglang bumaba na pawang nakasuot ng bonnet at itim na damit saka armado ng mataas na kalibre ng baril at walang habas na pinaulanan ng bala ang sasakyan ng biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad na sumakay ang tatlo sa kanilang van, pero bago umalis ay muling nagpaputok ang mga suspect bilang panakot sa mga susunod sa kanila.

Samantala, nagtataka naman ang kaanak ng pamilya kung bakit mangyayari sa biktima ang karumal-dumal na pangyayari, gayong wala naman umano silang alam na may kaaway ito.

Hinala tuloy ng mga awtoridad na isa lamang itong kaso ng mistaken identity kung kaya patuloy ang kanilang pagsisiyasat sa nasabing insidente.

AYON

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

DART ST.

FAIRVIEW

REGALADO ST.

SHERYL AGNES SARMIENTO

SI SARMIENTO

TOYOTA ALTIS

WEST FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with