Kelot lasog sa hit-and-run

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang 44-anyos na lalaki makaraang mabiktima ng hit-and-run habang tumatawid sa kalsada sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat, nakilala ang nasawi na si Felipe Jalotjot, ng Mayaman St., UP village sa lungsod. Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Araneta Avenue ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Diumano mula sa Quezon Avenue ay tumatawid ang biktima nang biglang mabangga ito ng isang hindi naplakahang kulay asul na kotse malapit sa Victory St. Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima dahilan para magtamo ito ng matin­ding pinsala sa kanyang katawan.

Show comments