^

Metro

Monitoring vs 'double dead' na isda, paigtingin -- Manila dad

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Bunga na rin ng ma­tataas na presyo ng bilihin, hinikayat ni Manila 4th District Councilor DJ Bagatsing ang Manila City Health Office na pa-igtingin ang kanilang mo­nitoring sa mga pamilihan na binabagsakan ng mga isda sa lungsod upang ma­siguro na walang naibebentang ‘double dead’ na isda.

Sa kanyang inihaing re­solusyon, sinabi ni Ba­gat­sing na maraming pa­­milya ang nagtitipid at naghahanap ng murang bilihin upang may pantawid-gutom.

Ayon kay Bagatsing, ma­rami ding mga negos­yante ang nananamantala ng sitwasyon kung saan ibinebenta ang mga ‘double dead’ na isda at hindi iniisip ang kalusu­gan ng mga consumers.

Kabilang sa sistema ng pananamantala ay ang paggawa ng mga fish balls   at strips nuggets mula sa mga ‘double dead’ na isda.

Hindi maikakaila na umabot sa 752 metric tons ng bangus at tilapia ang nasira at nagkakahalaga ng P57,000,000.

Aniya, hindi umano imposible na bawiin sa ibang paraan ng ilang mga ne­­gos­yante ang kanilang pag­kalugi habang na­aapek­tuhan na­ man ang kalusugan ng ma­liliit na ma­mama­yan.

Giit pa ni Bagatsing na marami ang nagkakasakit kung makakakain ng mga bulok na pagkain na posibleng humantong sa kamatayan.

Dahil dito, idinagdag pa ni Ba­gatsing, sa ilalim ng Ordinance 8183, iku­kulong ng isang taon at pagbabayarin ng P5,000 ang si­numang mahuhu­ling nag­bebenta ng ‘double dead’ na isda sa palengke.

ANIYA

AYON

BAGATSING

BUNGA

DISTRICT COUNCILOR

MANILA CITY HEALTH OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with