^

Metro

Parak, 2 pa timbog sa drug den shooting

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Naaresto ng Quezon City Po­lice District (QCPD) ang isang pulis at dalawa pa na sangkot sa pamamaril at pagkasugat sa dalawa nilang kasamahan sa nangyaring drug den raid matapos ang pagsalakay sa kanilang lungga sa Cubao sa lungsod kamakalawa.

Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina PO2 Edel Haze­l Oracion Gepte, 37, nakatalaga sa Camp Crame; Abdul Rahman Dansal Sarao, alyas Poras, 26; at Nosroden Ungad Calipa, 20.

Ayon sa report, si Gepte ay napag-alamang nasa preventive suspension bunga na rin ng paggamit ng droga.

Ang tatlo ay personal na itinuro ng mga nauna nang na­dakip na kasamahan na naki­pagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) na ikinasugat nina SPO2 Gilbert Forlucas, at PO1 Teodorico Casison, 

Ang mga suspect ay natunton sa pinaglulunggaan ng mga ito sa may 14th St. Apartelle sa 14th St., Cubao base sa impormasyon na kanilang natanggap mula sa kanilang asset.

Sinasabing dito nagtago ang mga suspect matapos na makatakas sa isinagawang raid sa Cadena de Amor Napocor, Brgy. Central nitong Martes ng alas-12 ng madaling-araw.

Nabawi sa kanila ang ka­libre 45 na umano’y ginamit sa pagpapaputok sa mga ope­ratiba; at ilang piraso ng plastic sachet ng droga at mga drug paraphernalia.   

vuukle comment

ABDUL RAHMAN DANSAL SARAO

AMOR NAPOCOR

CAMP CRAME

CUBAO

EDEL HAZE

GILBERT FORLUCAS

NOSRODEN UNGAD CALIPA

ORACION GEPTE

QUEZON CITY PO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with