Manila City Hall, nagtalaga ng 3 'smoking area'
MANILA, Philippines - Nagtalaga si Manila Mayor Alfredo S. Lim ng tatlong mga lugar bilang ‘smoking area’ sa city hall para sa mga empleyado at publiko na may transaksiyon na nais na manigarilyo.
Sa utos ni Lim kay chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman, sinabi nito na abisuhan ang mga naninigarilyo na hanapin at magtungo lamang sa mga entrance ng city hall na kinabibilangan ng Arroceros, Taft at Freedom Triangle gates kung saan may malalaking ash trays upang matiyak na naipatutupad pa rin ang anti-smoking prohibition
Kasabay nito, muling iginiit ni Lim na walang papalusutin sa kanyang anti-smoking policy sa City Hall.
Aniya, ang ban ay para sa lahat kabilang na ang mga department heads, bureau chiefs at mga opisina.
- Latest
- Trending