^

Metro

Estapador na Hapones, timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Wo­men and Children’s Protection Divi­sion (PNP-CIDG-WCPD) sa operasyon sa Sta. Mesa, Manila ang isang Japanese national na bumiktima ng 50 kababaihan na inalok nito ng trabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng facebook .

Sinabi ni PNP-CIDG-WCPD Chief P/ Supt. Emma Libunao, alas-6 ng gabi nang dakpin si Takahiro Yamashita, 41, ng 2016 Eagemachi Yatshuhiro, Komamoto, Japan sa isang restaurant sa loob ng isang mall sa Sta. Mesa, Manila.

Ayon kay Libunao, si Yama­shita ay inaresto makaraan itong ireklamo ng dalawang babae nitong biktima na umano’y niligawan ng suspect sa face­book para may matirhan at ma­hingan ng pera. Modus ope­randi ng Hapo­nes ang ma­kipag-kaibigan sa pamama­gitan ng Facebook hanggang aalukin ito ng kasal at trabaho.

Makaraan nito ay hihingan ni Yamashita ng pera ang mga babaeng nais magtungo sa Japan­ subali’t wala pa siyang­ napapapunta sa nasabing bansa para magtrabaho.

Sa pagdakip sa Hapones, nakuha sa kanyang pag-iingat ang ilang dokumento ng kanyang mga nabiktima gaya ng passport, birth certificate.

Sa imbestigasyon, may 48 pang kababaihang biktima si Yamashita sa Davao City at hinihinalang marami pa itong naloko sa Visayas Region dahil bukod sa mahusay mag-Tagalog, marunong din itong mag-Bisaya.

Base sa rekord, unang pumasok sa bansa si Yamashita noong Hunyo 1998 at huling entry nito ay Hunyo 2002 na nangangahulugan na 9 taon na itong overstaying sa bansa.

Nahaharap ngayon sa kasong large scale estafa ang nasabing Hapones.

CHIEF P

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-WO

DAVAO CITY

EAGEMACHI YATSHUHIRO

EMMA LIBUNAO

HAPONES

HUNYO

PROTECTION DIVI

SHY

TAKAHIRO YAMASHITA

YAMASHITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with