^

Metro

Klase sa NCR sinuspinde ng DepEd

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Bunsod ng walang tigil na pag-ulan mula nitong Miyerkules na nagdulot ng mga pagbaha sa ilang lugar, nagpasya ang Department of Education (DepEd) na suspendihin ang klase kahapon mula pre -school hanggang high school level sa National Capital Region (NCR) .

Dakong alas -4:00 ng madaling araw nang ianunsiyo ni DepEd NCR director Elena Ruiz sa mga himpilan ng radyo ang classes suspension matapos ang konsultasyon sa PAGASA, at rekomendasyon na rin ng mga school superintendents sa rehiyon.

Maliban sa NCR, sinuspinde rin ng mga education authorities ang klase sa mga karatig-lugar ng Metro Manila, na dumanas din ng walang tigil na pag-ulan at mga pagbaha.

Kabilang sa mga lugar na suspendido ang klase ay ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) region, gayundin sa Central at Southern Luzon kabilang ang, Region 3, Region 4-A at Region 4-B

Noong Miyerkules pa lamang ay wala ng tigil ang pag-ulan sa Metro Manila at ilang panig ng Luzon na naging dahilan ng pagbaha.

Kahapon ng tanghali ay inianunsiyo naman ng PAGASA na nakapasok na sa bansa ang tropical depression Dodong, at ang Public Storm Warning Signal no. 1 sa Metro Manila at anim pang lalawigan na kinabibilangan ng Cavite, Bataan, Pampanga, Zambales, Tarlac at Pangasinan.

BATANGAS

CAVITE

DEPARTMENT OF EDUCATION

ELENA RUIZ

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

NOONG MIYERKULES

PUBLIC STORM WARNING SIGNAL

SOUTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with