^

Metro

Clearing operations vs sidewalk vendors, ikinasa

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines -  Sinimulan na ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang “clearing operations” sa mga bangketa upang linisin ang mga lansangan sa mga illegal vendors na pansa­man­talang binigyan ng pagka­kataon na magtinda ng school supplies at iba pang gamit bago magpasukan.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ang layon nila ay mapaluwag ang mga kalsada at mapabilis ang biyahe sa Kalakhang Maynila lalo ngayong dagsa na muli ang milyun-milyong estud­yante na nagbabalik sa mga paaralan.

Makakatuwang ng Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) ang mga tauhan ng mga lokal na pamahalaan na nagbigay ng permiso sa mga vendors na okupahin ang mga bangketa para magkaroon ng pagkakataon na makapagtinda at makabili naman ang mga magulang ng murang mga school supplies. 

Partikular na pagtutuunan ng pansin ng MMDA ang Commonwealth Avenue sa Quezon City at ang C.M. Recto sa Divi­soria, Manila kung saan inokupa na ang mismong lan­sangan ng mga vendors mula Jose Abad Santos hanggang Juan Luna St.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COMMONWEALTH AVENUE

JOSE ABAD SANTOS

JUAN LUNA ST.

KALAKHANG MAYNILA

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

SHY

SIDEWALK CLEARING OPERATIONS GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with