^

Metro

Taxi driver sugatan sa holdap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines -  Isa na namang taxi driver ang hinoldap at pinagtangkaang patayin sa pamamagitan ng pagbaril dito matapos na pumalag habang kinukuha ang kanyang kinita sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Nakilala ang biktima na si Benjamin Maglaya, 40, ng Brgy. Holy Spirit. Si Maglaya, ayon sa ulat, ay ginagamot sa Far Eastern­ University Hospital matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang tagiliran.

Si Maglaya ay binaril ng isang holdaper na nasa pagitan ng edad 25-35, may taas na 5’5 hanggang 5’7, at moreno, makaraang pumalag dito.

Nangyari ang insidente sa may Payatas Road, corner Group 5 sa lungsod ganap na alas-6:30 ng umaga.

Bago nito, sumakay umano sa may Commonwealth Avenue corner­ Don Fabian ang suspect sa pinapasadang Adriana taxi (TYD-304) ng biktima at nagpahatid sa Payatas. Pagsapit sa naturang lugar ay biglang naglabas ng baril ang suspect at nagdeklara ng holdap sabay tutok sa biktima.

Nito lamang Martes ng madaling-araw ay natagpuang patay ang driver na si Emmanuel Siapno, 49, sa loob ng pinapasada nitong taxi sa may 16th Avenue, Brgy. San Roque sa lungsod, makaraang pagsasaksakin ng hinihinalang holdaper nito.

vuukle comment

BENJAMIN MAGLAYA

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

DON FABIAN

EMMANUEL SIAPNO

FAR EASTERN

HOLY SPIRIT

PAYATAS ROAD

SAN ROQUE

SI MAGLAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with