^

Metro

QCPD nagbabala vs pekeng pulis na bumibiktima sa mga bading

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagbabala ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) sa publiko partikular na sa mga ba­ding laban sa mga lalakeng nagpapanggap na miyembro ng pulisya na ang pakay ay holdapin sila at nakawin ang kanilang mga gamit.

Aksyon ito ni Chief Supt. George T. Regis, director ng (QCPD), matapos na maaresto ang isang Ryan Torres, 25, ng Marulas St., Brgy. 140, Caloocan City, bu­nga ng reklamo ng isang Jenmar Tunga, 19, ng Gen. Santos City.

Sa pagsisiyasat ng Cubao Police Station 7, nangyari ang pag-aresto sa suspect sa loob ng isang hotel sa EDSA malapit sa Aurora Blvd., ganap­ na alas-7 ng gabi.

Bago ito, naglalakad ang biktima nang lapitan ng suspect at nagpakilalang pulis na naka­suot ng pang-itaas na uniporme ng pulis at inaaresto ang una dahil sa kaso ng prostitusyon.

Dito ay tinakot ng suspect ang biktima na ikukulong sa sandaling hindi ito pumayag na mag-check-in sila sa hotel para doon pag-usapan ang kanyang problema.

Dala ng takot, napapayag naman ang biktima at nag-check in sa hotel room 407 kung saan sinimulan ng suspect ang paglimas sa gamit ng una tulad ng Blackberry phone (P15,000) at cash na P1,740. Nang makuha ang pakay ay saka pinalabas na ng suspect ang biktima sa naturang kuwarto.

Sa puntong ito, nagpasya ang biktima na dumulog sa pulisya at agad na rumesponde sa lugar at nadakip ang suspect.

Narekober mula sa suspect ang pera at gamit ng biktima, saka pang-taas na uniporme ng pulis na gina­gamit nito sa panloloko.

Pinayuhan din ni Regis ang publiko na sinumang tao na lalapit sa kanila at nagpapakilalang pulis ay hingan umano nila ng PNP ID o dili kaya ay badge number. Kung hindi naman ay huwag basta-bastang sasama dito kapag inaya sa isang lugar maliban sa himpilan ng pulisya.

AURORA BLVD

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

CUBAO POLICE STATION

GEORGE T

JENMAR TUNGA

MARULAS ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REGIS

RYAN TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with