^

Metro

Trader patay sa holdap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa ma­patay ng dalawang holdaper sa loob ng isang shop sa lungsod Quezon.

Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang biktima na si Arnel Padilla, 36, may-asawa ng #71 Santol St., Brgy. Sto. Niño, sa lungsod.

Ayon sa pulisya, ang mga suspect na mabilis na tumakas ay armado ng kalibre .45 baril at tumangay sa pera at cellphone ng biktima at ng business partner nitong si Ricardo Cacanilao.

Sa pagsisiyasat, lumilitaw na nangyari ang insidente sa loob ng Mobile 101 Auto repair shop malapit sa tinutuluyan ng biktima ganap na alas-12:40 ng tanghali.

Sinabi ni Cacanilao, kasalukuyan silang nagkukumpuni ng sasakyan sa loob ng kanilang shop nang biglang sumulpot ang mga suspect na armado ng kalibre .45 baril at nag­deklara ng holdap.

Agad na tinutukan ang mga biktima ng baril sabay kuha sa kanilang mga cellphone at wallet. Nang paalis na ang mga suspect, biglang nagre-act si Padilla, sanhi upang maalarma ang mga suspect at pagbabarilin siya, bago tuluyang nagsipagtakas.

Mabilis namang itinakbo ni Cacanilao ang biktima sa St. Luke’s Medical Center, subalit makalipas ang ilang minutong gamutan ay idineklara din itong patay bunga ng maraming tama ng bala na natamo nito.

vuukle comment

ARNEL PADILLA

AYON

CACANILAO

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICARDO CACANILAO

RODEL MARCELO

SANTOL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with