Manhunt vs 2 pang suspect sa pagpatay kay Evangelista, ikinasa

Manila, Philippines - Ipinahuhuli ng QC Regional Trial Court (QCRTC) ang dalawa pang akusado sa pagpatay sa car dealer na si Venzon Evangelista dahil sa direktang pagpaslang ng mga ito sa huli.

Kasabay nito, nagpalabas na rin ng warrants of arrest si Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 215 Judge Ma. Luisa Padilla laban sa mga akusasong sina Rolando Talban alias “Rolly” at Eduardo Fernandez hinggil dito.

Kaugnay nito, pinayagan naman ng korte si Alfred Mendiola na manatili sa Bulacan Jail matapos itong umalis sa custody ng Witness Pro­tection Program ng Department of Justice (DoJ).

Binasbasan ni Judge Padilla ang mosyon ng nasabing state witness dahil tiniyak naman ni Bulacan Jail Warden Pepito Clamengco na aalagaan at poproteksiyunan si Mendiola sa loob ng na­sabing piitan.

Ani Clamengco ibibigay nila ang lahat para sa seguridad ni Mendiola.

Tiniyak naman ni Atty. Willie Rivera na nakahanda na ang kampo ni Mendiola sa pagharap niya sa su­sunod na pagdinig sa June 27 para tumestigo laban sa magkapatid na sina Roger at Raymond Dominguez na itinuturong mastermind ng krimen.

Show comments