Binata natagpuang patay

Manila, Philippines - Isang binata na may tama ng bala sa mukha at tiyan ang natagpuang patay sa isang madamong gulayan sa Marikina City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ryan Magracia, 29, na residente ng Road-2, 12 Doña Petra Compound, Brgy. Tumana, Marikina City. Tinutugis na ng mga awtoridad ang isang alyas ‘Muslim,’ tubong Mindanao, ng Pipino St., Brgy. Tumana, na itinuturong suspek sa krimen.

Sa ginawang pagsisiyasat, lumilitaw na dakong alas-9:45 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa masukal na bahagi ng isang gulayan sa Singkamas St., sa Brgy. Tumana.

Sinasabing dalawang tama ng bala sa mukha at katawan ang tumapos sa buhay ng biktima, na hinihinalang sa ibang lugar pinaslang at itinapon lamang sa lugar.

Patuloy ang imbestigas­yon sa kaso.

Show comments