^

Metro

Tren ng MRT tumirik ulit

- Ni Mer Layson -

Manila, Philippines - Isang na namang tren ng Metro Rail Transit (MRT) ang hinila makaraang tumirik sa gitna ng riles bago pa man makaabot sa isang istasyon, kaya’t napilitang maglakad na lamang ang mga pasahero nito sa Buendia, Makati City, kahapon ng tanghali.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng Light Rail Transit Administration (LRTA), ang panibagong pagtirik ng tren ay naganap dakong alas-12:57 ng tanghali sa northbound lane ng EDSA, Buendia.

Ani Cabrera, hindi nakarating sa Buendia MRT Station ang tren dahil sa power failure. Dahil dito, napilitan ang mga pasahero na maglakad na lamang patungo sa istasyon, habang hinila naman ang tren dakong ala -1:19 ng hapon.

“Bigla na lang tumigil at hindi na mapaandar ang tren kaya hinila na lamang matapos pababain ang mga sakay na pasahero,” ani Cabrera.

Hindi naman naiwasan ng mga pasahero na mainis sa naturang panibagong aberya na nagdulot ng abala sa kanila. Kaagad din namang naibalik ang normal na operasyon ng MRT nang madala na ang tren sa North Depot.

ANI CABRERA

AYON

BIGLA

BUENDIA

CABRERA

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT ADMINISTRATION

MAKATI CITY

METRO RAIL TRANSIT

NORTH DEPOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with