Parak na ginagamit si Secretary sa extortion, sinibak
MANILA, Philippines - Tuluyang sinibak sa tung kulin ng PNP National Capital Region Office ang isang pulis dahil sa umano’y paggamit sa pangalan ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo para sa iligal na gawain tu- lad ng extortion.
Kinilala ni Robredo ang nasabing pulis na si PO3 Vergel Navarro, nakatalaga sa NCRPO regional police holding and administrative unit (RPHAU).
Base sa ulat na nakara-ting sa tanggapan ni Robredo, ginagamit ni Navarro ang kan yang pangalan sa pangongotong at pangongolekta ng protection money mula sa ille-gal gambling operators at club owners sa Quezon City.
Ayon pa sa ulat, ginagamit din ni Navarro ang isang sibil-yan na nakilalang si Lito Miranda bilang isa sa kolektor niya sa kanyang iligal na aktibidad.
Sinabi ng kalihim, si Navarro ay opisyal na wala sa listahan matapos na mabigo itong pumasok ng ilang linggo sa kanyang mother unit, partikular sa kanyang boss na si Superintendent Ranny T. Tapat, hepe ng NCRPO-RPHAU.
Dagdag ni Robredo, madalas siyang nakakatanggap ng ulat ng pangloloko at walang prinsipyong tao na gumagamit sa kanya, at sa kanyang tanggapan at iba pang malapit sa kanya.
- Latest
- Trending