MANILA, Philippines - Handang-handa na ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa seguridad sa darating na pasukan sa Lunes kung saan ilalarga ang kanilang master plan “Sandigan” sa bisinidad ng mga paaralan at iba pang matataong lugar.
Sa ilalim ng master plan, ipinaliwanag ni NCRPO Director, Chief Supt. Alan Purisima na tututok ang pulisya sa “police security containment ring” na magpapakalat ng tauhan sa bisinidad ng mga paaralan, unibersidad, terminal ng bus at jeepneys, at iba pang lugar na madalas mangyari ang krimen.
Nasa 2,445 pulis ang ikakalat ng NCRPO sa pasukan habang katuwang ang 3,305 force multipliers upang magbantay sa 1,063 paaralan sa Metro Manila sa Hunyo 6.
Nakaalerto rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para mamahala naman sa daloy ng tra piko sa mga lugar ng paaralan da-hil sa inaasahang pagdagsa ng milyong mag-aaral sa mga unibersidad, high school at elementaryang paaralan.
Magpapakalat rin ang pulisya ng “MASCO” o mga pulis na nakamotorsiklo laban naman sa mga snatcher at holdaper na “riding-in-tandem” at pag-iikot ng police mobile patrols.
Sasakayan rin ang mga pampasaherong bus ng kanilang mga bus marshals para maiwasan naman ang pagsalakay ng mga holdaper.