^

Metro

'Master Plan Sandigan,' ilalarga sa pasukan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa seguridad sa darating na pasukan sa Lunes kung saan ilalarga ang kanilang master plan “Sandigan” sa bisinidad ng mga paaralan at iba pang matataong lugar.

Sa ilalim ng master plan, ipinaliwanag ni NCRPO Director, Chief Supt. Alan Purisima na tututok ang pulisya sa “police security containment ring” na magpapakalat ng tauhan sa bisinidad ng mga paaralan, unibersidad, terminal ng bus at jeepneys, at iba pang lugar na madalas mangyari ang krimen.

Nasa 2,445 pulis ang ikakalat ng NCRPO sa pasukan habang katuwang ang 3,305 force multipliers upang magbantay sa 1,063 paaralan sa Metro Manila sa Hunyo 6.

Nakaalerto rin ang Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) para ma­ma­hala naman sa daloy ng tra­ piko sa mga lugar ng pa­aralan da-hil sa inaasahang pagdagsa ng milyong mag-aaral sa mga uni­bersidad, high school at ele­mentaryang paaralan.

Magpapakalat rin ang pulisya ng “MASCO” o mga pulis na nakamotorsiklo laban naman sa mga snatcher at holdaper na “riding-in-tan­dem” at pag-iikot ng police mobile patrols.

Sasakayan rin ang mga pam­pasaherong bus ng ka­nilang mga bus marshals para maiwasan naman ang pagsalakay ng mga holdaper.   

ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT

HANDANG

HUNYO

MAGPAPAKALAT

MANILA DEVELOPMENT

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with