3 isinakong bangkay natagpuan
MANILA, Philippines - Tatlong bangkay ng lalaki na pawang isinako ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Maynila kahapon ng mada-ling araw.
Sa Quezon City dalawang lalake na tadtad ng saksak sa katawan, isa sa kanila ay may tusok ng pako sa ulo ang natagpuan sa hiwalay na lugar matapos na itapon ng tatlong kalalakihang sa- kay ng isang van.
Sa ulat ng CIDU-QCPD, ang dalawang biktima na pawang mga walang pagkakakilanlan at nasa pagitan ng edad na 35-40 anyos. Isa lamang sa mga ito ang nakita- an ng tattoo na “Elvira” sa kaliwang balikat, ayon sa pulisya.
Ang unang bangkay ay natagpuan sa may A. Bonifacio St., Brgy. Amoranto ganap na ala-1:30 ng madaling araw.
Sinabi ng isang saksi, nakatayo siya sa naturang lu gar nang biglang dumating ang isang kulay maroon na van kung saan tatlong lalake ang bumaba at may inihagis na isang sako sa bakanteng lote dito.
Inakala umano ng saksi na kalakal ang laman ng sako kung kaya agad niya itong nilapitan subalit laking gulat niya nang buksan ay bangkay ito ng tao na tadtad ng saksak at may plaster sa mukha.
Dakong alas-2:30 ng ma daling araw nang matagpuan naman ng security guard na si Alejandro Caballero ang bangkay ng isang lalaki sa kahabaan ng Quezon Avenue.
Inakala rin ni Caballero na basura ang laman ng sako, pero nang kanyang tingnan ay bangkay rin ito ng tao na kahalintulad ng naunang bangkay na natagpuan sa Amoranto.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang huling biktima ay may nakabaong pako sa ulo na pinaniniwalaang pinahirapan muna bago tuluyang pinatay.
Samantala, isa ring nakasakong bangkay ng lalaki ang natagpuan sa kalye sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng ma daling araw.
Inilarawan na 30 hanggang 35, may taas na 5’, na kasuot ng puting medical student uniform.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang mapansin ni Reynaldo Manalang, 41, ex-officer ng Brgy. 471 Zone 46, District 4, ang isang sako sa panulukan ng Laong-Laan St. at Asturias Sts. Sampaloc, Maynila.
May nakitang sugat sa leeg na hinihinalang ginilitan ito.
Sa mismong bangkay ay nakapatong ang placard na may nakasulat na “HUWAG TULARAN, SALISI, PATAWAD PO SA KING NABIKTIMA”.
Patuloy pa ang masusing imbestigasyon ukol dito.
- Latest
- Trending