Ex-QCPD chief, inililinya palit kay Diokno

MANILA, Philippines - Sa kabila ng iba’t ibang  pangalang ini-endorso ng ilang grupo bilang kan­didatong kapalit ni Bureau of Corrections (BuCor) director Ernesto Diokno, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang ilang grupo ng indibidwal sa Tarlac at Quezon City na mapipili pa rin si dating QCPD di­rector Ret. Gen. Napoleon Castro.

Ayon sa ilang QCPD officers and men at re­tirees, malaki ang tiwala nila kay Castro na kaya nitong balikatin ang tungkulin at responsibilidad na iniwan ni Diokno sa BuCor higit kanino pa man.

Samantala, maging ang mga opisyal ng ilang samahan ng LGU at NGO sa Tarlac ay nagpahayag din ng kanilang pagsang-ayon at pagsuporta kay Castro na ayon sa kanila ay siyang responsable sa pag-neutralize ng New People’s Army (NPA) sa ka­nilang lugar noong 1979.

Si Castro, miyembro ng Philippine Military Aca­demy (PMA) Class 1972, ay ang nakaupong hepe ng Criminal Investigation Unit  (CIU)ng QCPD  nang makakumpiska ang mga tauhan ni Gen. George Regis, noon ay hepe ng Batasan Police Station, ng 253 kilos ng shabu sa Commonwealth Avenue noong 1996.

Nakaupong district director si Castro nang magsimulang masungkit ng QCPD ang best district noong 2004 at mula noon ay naging sunod-sunod na ang pagkuha ng nasabing police district sa award na ipinagkakaloob ng Philippine National Police.

Uminit si Diokno ma­tapos mahuling pumupuslit mula sa kulungan si dating Batangas Gov. Antonio Leviste na nahatulang mabilanggo dahil sa pagpaslang sa kanyang kaibigan.

Show comments