MANILA, Philippines - Muling ibababa ng Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) ang presyo ng kanilang produktong LPG ngayong Biyernes dahil sa mas mababang presyo umano nito sa internasyunal na pamilihan.
Ayon sa LPGMA, nakatakdang magbaba sila ng P1 kada kilo o P11 kada isang 11-kilong tangke ng LPG umpisa sa hatinggabi ng Biyernes.
Inihayag naman ng independent oil player na Unioil Corporation na nagbaba rin sila ng presyo ng kanilang Auto LPG ng P1.40 kada litro dakong alas-2 kahapon ng hapon.
Sa komputasyon ng LPGMA, bumagsak sa $75 kada metriko tonelada ang halaga ng inaangkat nilang LPG mula sa dating presyo na $855.
Inaasahang magkakahalaga na lamang ng P690 ang bawat 11-kilong tangke na ibinibenta ng mga kaanib nilang distributor mula sa dating P705.