Ginang na salisi sa hospital, timbog

MANILA, Philippines -  Naaresto ng mga awtoridad ang isang ginang na hinihinalang miyembro ng Salisi gang na responsable sa pambibiktima sa mga bisita at pasyente sa hospital nang masundan ng mga operatiba habang kumakain sa isang fast food chain sa Quezon City kahapon.

Kinilala ni Col. George Calvelo, hepe ng Security Department ng Quezon City Hall ang suspect na si Carolina dela Cruz, alyas Tess Parulan/Carolina Agripa, 58, residente sa Kaingin 2 Pansol sa lungsod.

Ayon kay Calvelo, si dela Cruz ay matagal nang minanmanan ng kanilang tanggapan matapos ang sunod sunod na reklamo ng pananalisi sa mga ospital kung saan nakita ito sa cctv camera ng isang ospital. 

Si Delos Reyes ay nabiktima ng suspect noong May 10, 2011 sa loob ng Philippine Hearth Center makaraang lapitan siya nito at magpakilalang emplayada sa Quezon City Hall.

Show comments