Obrero nahulog sa bubungan, todas

MANILA, Philippines - Nabasag ang bungo ng isang construction worker nang mahulog ito mula sa bubungan ng pinagtratraba­huan nitong pabrika kama­kalawa sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Rowie Marina Castillo, 22-anyos, residente ng F. Dulalia St., Barangay  Lingunan ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng Sta­tion Investigation Division (SID) ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng hapon sa Great Asia Industrial Corporation na matatagpuan sa # 29 Gregorio St., ng nabanggit na barangay.

Kasalukuyang kinukumpuni ng biktima ang bubong ng kanyang pinagtatrabahuhang kumpanya nang ma­apakan nito ang malambot na bahagi.

Dahilan upang magtuluy-tuloy sa pagkahulog ang biktima at tumama ang ulo nito sa mga bakal,  na nagresulta ng pagkabasag ng bungo nito at agarang kamatayan.

Show comments