^

Metro

5 Pulis sa ransom money, naghain ng not guilty plea

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Naghain ng  ‘not guilty’ plea ang limang pulis ng Manila Police District (MPD) na sangkot umano sa pagnanakaw ng ransom money ng isang  Ma­­laysian businessman na kanilang  iniligtas  matapos na kidnapin kamakailan.

Ang mga ito ay inilipat na sa Manila City Jail kasunod ng pagkakasangkot sa nawawalang  bahagi ng P15 milyon ransom money sa isang Erin Sim Chin Tong, isang Malaysian businessman kamakailan sa Malabon.

Sa kanilang pagdalo sa  pre­liminary investigation, iti­­nanggi nina Sr. Insp. Peter Nerviza, na noo’y hepe ng MPD-Stn. 5 Anti-Crime  Unit; SPO3 Ernesto Peralta; PO3 Jefferson Brita­nico; PO3 Mike Ongpaoco  at PO1 Rommel Santos Ocampo  ang akusasyon sa kanila sa kasong qualified theft at anti-graft and corrupt practices.

Binigyan naman ni  Manila Regional Trial Court Judge Armando Yanga ng branch 173 si Private Prosecutor Sophia Tirol Solidum-Taylor ng limang araw upang  magbigay ng  comment sa mosyon na petition for bail na inihain ng abogado ng mga akusado na si  Atty. Alvaro Bernabe Lazaro.

Dumalo din sa pagdinig ang mismong biktima na si  Erin Sim Chin Tong. Ayon kay Taylor, pursigido umano si Tong na  isulong ang kaso laban sa mga pulis.

Itinakda naman sa Hulyo 27 ang pagdinig sa motion to bail kasabay ng inaasahang paglalabas ng mga testigo ni Taylor laban sa limang pulis.

Batay sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Marso 6, dakong alas-4 ng hapon sa loob ng kanyang junk shop sa Malabon. Dinakip si Tong sa pamamagitan ng pekeng warrant of arrest sa pa­ngunguna ni Marlon Lopera.

Nagbigay  ang sekretarya ni Tong ng halagang P16.3M sa mga kidnaper na pinangu­ngunahan ni Lopera.

Subali’t  ayon kay Lopera, P12.9 milyon ang nakuha ng mga pulis na taliwas sa dek­larasyon ng limang pulis na  P4.2 milyon.

ALVARO BERNABE LAZARO

ERIN SIM CHIN TONG

ERNESTO PERALTA

JEFFERSON BRITA

LOPERA

MALABON

MANILA CITY JAIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with