MANILA, Philippines - Doble kamalasan ang sinapit ng isang dentista makaraan silang igapos at holdapin ng kaniyang dental assistant ng nag-iisang armadong suspect na nangmolestiya pa sa una sa loob ng kaniyang dental clinic sa Quezon City kamakalawa.
Ayon sa Quezon City Police Station 9 upang mapangalagaan ang katauhan ng mga biktima ay itinago ang pangalan nila sa alyas na Dra. Maria, 44, dentist ng Brgy. Ma rilag; at kanyang dental assistant na si Lina, 46 taong gulang.
Base sa pagsisiyasat ni PO3 Noel Laguador, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa loob klinika ni Dra. Maria na matatagpuan sa Brgy. Quirino 3-A, Project 3, sa pagitan ng alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.
Kasalukuyang nagbabantay ang mga biktima sa kanilang klinika ng dumating ang suspect at nagkunwaring walk in patient na magpapa-ayos ng kanyang ngipin.
Gayunman, matapos na maayos ang ngipin ng suspect ay bigla nitong binunot ang kaniyang baril sa loob ng dalang sling bag at tinutukan ang mga biktima sabay deklara ng holdap.
Kinuha ng suspect sa bag ang maliit na bundle ng plastic straw at rolyo ng cellophane tape, bago muling inatasan si Dra. Maria na humiga sa dental chair.
Dito na iginapos ng suspect ang mga kamay at paa ng mga biktima, saka sini mulang kunin ang mga gamit tulad ng cellphone at pera ng mga ito.
Hindi pa nakuntento bago tuluyang tumakas ay pinaglalamas pa ng suspek ang maseselang bahagi ng katawan ng dentista na walang nagawa kundi ang mapaluha.
Natangay sa dentista ang P8,000 cash, US$300, tseke ng BDO; apat na cellphone; isang seiko diamond writswatch; dalawang sets ng diamond earings at bracelet; habang kay Lina ay cash na P800.00 at isang relo.