2 bebot, totoy tiklo sa snatching

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang isang menor-de-edad ang na­dakma ng mga tauhan ng Manila Police District Investigation and Operation Unit  matapos manghablot ng kwintas ng isang Tsino sa Binondo, Maynila, kahapon ng medaling-araw.

Mismong ang menor de edad na itinago sa pangalang “Totoy”, 15, out-of-school youth ang nagturo sa pinagkukutaan ng dalawang suspek na sina Cathy dela Cruz, 33; at May Bibay, 25, na pawang nakatira sa  squatter area sa C.P. Garcia St., Tondo, Manila.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Fernando Opelanio, habang nagsa­sagawa ng operasyon ang pulisya ay narinig ang sigaw­ ni Wilson Chua,  29, ng Lavezares St., Binondo dakong ala-una ng madaling-araw na hinablot ang kanyang kwintas.

Nakita nila ang mabilis na pagtakbo ng binatilyong papalayo sa biktima habang ang dalawang babae naman ang nagsilbing look-out. Nang makorner ang binatilyo, ikinanta niya ang dalawang kasabwat kaya agad din silang inaresto.

Narekober ang kwintas ng biktima na nagkakahalaga ng P45,000.   

Show comments