^

Metro

PUJ driver, sticker hindi tatantanan ng MTPB

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na hindi nila tatantanan ang mga driver na hindi sumusunod sa regulasyon gayundin ang mga gumagamit ng pa­nga­lan ng kanilang tanggapan   para sa umano’y koleksiyon.

Ayon kay Maria Norissa Villanueva, hepe ng MTPB, patuloy at regular ang kanilang ginagawang monitoring at paghuli sa mga driver na lumabag sa dress code at walang dri­vers license gayundin sa gumagamit ng iba’t ibang sticker upang makaligtas sa huli.

Nabatid na sa report nina Democrito de Luna, Sector 1 at   Agamer Abam, Sector 2 Commander, nakahuli ang mga ito ng walong driver ng pampasaherong jeep na walang drivers license at walang prangkisa. Agad na dinala sa impounding area ang mga nahuling jeep.

Lumilitaw na ang ope­rasyon ay bunsod na rin sa impormasyong natanggap nina Erwin Bautista at Mark Whittmer, MTPB Traffic Sector 2 enfor­cers na ang mga pampasa­he­rong jeep na may biya­heng MCU-Divisoria at Munoz-Vito Cruz ay ligtas umano sa mga huli bunsod na rin ng kanilang ‘lagay’ sa pulis at mga city hall officials sa pamama­gitan ng sticker.

Ang mga nasabing stickers sa windshield ng mga PUJ ay “ligtas-huli”.

Subalit ayon kay Villa­nueva, wala silang inilalabas na anumang mga sticker upang magsilbing code sa koleksiyon kapalit ng paghuli.

vuukle comment

AGAMER ABAM

MANILA TRAFF

MARIA NORISSA VILLANUEVA

MARK WHITTMER

MUNOZ-VITO CRUZ

PARKING BUREAU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with