Pastor lunod sa Manila Bay

MANILA, Philippines - Nasawi sa pagkalunod ang isang 43 anyos na Pastor nang tangayin ng alon sa pagtatangkang sa­ gipin ang pamangkin na kasamang naliligo sa dagat, sa bahagi ng Baseco Port Area, Maynila, kaha­pon ng madaling-araw.

Kinilala ni Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homi­cide Section ang biktimang si Mario Valera, may asa­wa, pastor ng World Mission Community Church at residente ng Block 7, Lot 4 New Site, Baseco Compound, Port Area.

Dakong 1:00 ng madaling-araw nang magka­yayaang maligo ang biktima, kapatid, pamang­kin at ilang kaibigan nang may malalaking alon na humila sa kanila papalaot.

Tinangka pa umanong sagipin ang di pinanga­lanang pamangkin subalit tinangay umano ito ng alon papalayo hanggang sa nakita na lamang na lumulutang ang bangkay, sa bahagi ng Pier 15, sa South Harbor, ilang oras matapos itong maglaho.

Sa tulong ng Philippine Coast Guard ay naiahon ang bangkay.

Show comments