Napabayaang kalan: 5 bahay tupok

MANILA, Philippines - Dahil sa napabayaang kalan na de-kuryente, limang kabahayan ang natupok makaraang sumiklab ang sunog­ na tumagal ng mahigit isang oras sa Pasay­ City kahapon ng umaga.

Nagsimulang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Rey Intal sa no. 2427 M. Dela Cruz St., dakong alas-6:34 ng umaga at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay na pawang gawa lamang sa mga light materials.Wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan sa natu­rang sunog na umabot sa ikatlong alarma bago tuluyang naapula dakong alas-7:45 ng umaga.

Masusi pang nagsasagawa ng pagsisiyasat si FO1 Arnel Lacasandili ng Pasay Fire Department upang ma­ipagharap ng kaukulang kasong negligence resulting to damage to properties ang may kagagawan kung kaya’t nagkaroon ng sunog.

Sa ilalim ng inamiyendang Fire Code of the Philippines, maaari nang ipagharap ng kaso ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng apoy kung mapapatunayang kapaba­yaan sa kanilang parte ang naganap na sunog na tutupok hindi lamang sa kanilang ari-arian ngunit maging sa mga katabing bahay at establisimiyento.

Show comments