^

Metro

Libu-libong pasahero iritado sa pagsasara ng LRT 1

- Ni Mer Layson -

Manila, Philippines - Libu-libong pasahero ang dismayado sa pagsasara ng anim na istasyon ng Light Rail Transit (LRT) 1 dahil sa abalang nalikha nito simula kahapon hanggang Lunes.

Bagamat may 15-shuttle bus naman ang ipinakalat ng pamunuan ng LRT upang maghatid at magsundo ng mga pasahero sa mga istasyong apektado, malaking abala pa rin ito sa mga commuter.

Nadagdagan pa ang iritasyon ng mga pasahero matapos na masira ang isa sa 15-shuttle bus kaya tumulong na rin ang mga bus ng Department of Transportation and Communications.

Kaagad namang humingi ng pa­umanhin si Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA sa mga apektadong pasahero na hindi nila maseserbisyuhan sa loob ng tatlong araw.

Simula kahapon ay pansamantalang sarado ang mga LRT station sa Roose­velt at Balintawak sa Quezon City; Monu­mento, 5th Avenue sa Caloocan City; at ang R. Papa Abad-Santos sa Maynila.

Inaasahang magtatagal ang tempo­rary closure hanggang sa Lunes, bagamat sinabi ng LRTA na minamadali nila ang proyekto upang kaagad itong

matapos.

Aabot naman sa P4-milyon ang malu­lugi sa LRT sa loob ng tatlong araw na pansamantalang pagsasara habang isinasagawa ang pagkonekta ng permanente sa signalling system ng North Extension Project.

Ipinaliwanag ni Cabrera na ang sig­naling system ay ang siyang nagkukontrol ng speed ng tren at safe distance sa pagitan ng dalawang tren.

AABOT

BAGAMAT

CALOOCAN CITY

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT

NORTH EXTENSION PROJECT

PAPA ABAD-SANTOS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with