Anak nasermunan ng ina, nag-suicide
Manila, Philippines - Maliban sa nakitang laslas ang pulso, nagbigti pa ang isang 21-anyos na lalaki na sinasabing lango sa alak dahil sa sama ng loob sa sermon ng ina sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Aaron Laxamana, walang trabaho, at residente ng #1717 Int. lI, Francisco Varona Street sa Tondo.
Sa ulat ni SPO1 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3 ng hapon nang madiskubre na nakabitin ang biktima sa loob ng kanilang bahay.
Unang nadiskubre ng 10-anyos na babaeng pamangkin ang bangkay ng biktima at ipinabatid sa mga magulang nito.
Nadiskubreng naglaslas sa kaliwang pulso ang biktima bago ang pagbibigti kung saan narekober ang suicide note sa tabi ng bangkay na ipinagbilin sa utol na babae sa kanyang anak at live-in partner na si Joy.
Posibleng isa sa dahilan ang natanggap na sermon ng biktima mula sa ina nito na ikinasama ng loob bago ang pagpapatiwakal.
- Latest
- Trending