^

Metro

Presong pumatay, naglibing sa kakosa sa NBP, kinasuhan

- Danilo Garcia -

Manila, Philippines - Kinasuhan na ng murder sa Muntinlupa Prosecutors Office­ ang isang miyembro ng “Sigue-Sigue Sputnik Gang” sa Na­tional Bilibid Prisons na umamin na siyang pumatay at nagbaon sa lupa sa kakosa niya dahil lamang sa hinalang ito ang nagnakaw ng kanyang alkansya, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Abulando Gusgulan, nahatulang makulong sa “maximum security compound” dahil sa kasong panggagahasa.

Isinasailalim na ngayon sa awtopsiya ang bangkay ng bilanggong­ si Bryan Peña na nahatulang mabilanggo ng apat na taon sa kasong obstruction of justice. Nagtamo ito ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na nahukay dakong alas-3 kamakalawa ng hapon ang bangkay ng biktima makaraang iulat na nawawala noon pang Miyerkules ng umaga nang isagawa ang head count. Nang magsagawa ng imbestigasyon, dito umamin si Gusgulan na siyang pumaslang sa naturang kasamahang preso at itinuro ang lugar na pinagbaunan niya sa bangkay nito.

Lumabas naman sa pagsisiyasat ng mga tauhan ni Mun­tinlupa Police Chief Supt. Eleazar Matta na pinagbintangan umano ni Gusgulan ang kanyang kakosa na kasama niya sa kubo na kanilang tinutuluyan na nagnakaw sa kanyang alkansiya na puno ng barya kaya’t nagawa niya itong patayin.

ABULANDO GUSGULAN

BILIBID PRISONS

BRYAN PE

ELEAZAR MATTA

GUSGULAN

ISINASAILALIM

KINASUHAN

MUNTINLUPA PROSECUTORS OFFICE

POLICE CHIEF SUPT

SIGUE-SIGUE SPUTNIK GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with