^

Metro

MRT at LRT nagka-aberya uli

- Ni Mer Layson -

Manila, Philippines - Tumirik na naman ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT) makaraan umanong humina ang boltahe ng ku­r­yente sa Quezon City habang natigil naman ang operasyon ng LRT Line 1 dahil sa isang sunog na naganap sa Sta Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay Atty. Hernando Cab­rera, tagapagsalita ng LRTA, umabot sa sampung minuto ang pagkakatigil ng operas­yon ng MRT nang tumigil ang isang tren sa Soutbound line ng Cubao Station.

“Under voltage ng supply ng kuryente ang dahilan ng pagkakatigil ng operation ng MRT” ani Cabrera.

Natigil naman ang operasyon ng LRT Line 1 bunsod ng malaking sunog na naganap sa kanto ng Bulacan at Rizal Avenue, Sta Cruz, Maynila.

 Sinabi ni Cabrera, malapit sa riles ng LRT ang sunog at dahil sa malakas na apoy at makapal na usok kung kaya nagdesisyon sila na suspendehin ang operasyon ganap na alas-9:05 ng umaga upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng aksidente.

“Yung sunog ay malapit sa LRT Blumentritt station. Ito rin ay malapit sa aming rectifier station, parang transformer namin para sa power supply. Dahil magiging apektado ang tren at pasahero kaya mina­buti naming itigil ang operation” ani Cabrera.

Matapos ang isang oras ay muli naman ibinalik sa normal ang operation ng buong LRT Line 1 makaraang maapula ng mga bumbero ang apoy na lumamon sa ilang kabahayan.

AYON

BLUMENTRITT

CABRERA

CUBAO STATION

HERNANDO CAB

MAYNILA

METRO RAIL TRANSIT

QUEZON CITY

RIZAL AVENUE

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with