^

Metro

Dentista ni-rape, ninakawan ng pasyente

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines - Isang lalaking pasyente sa isang dental clinic ang wanted sa mga awtoridad matapos ireklamo ng panggagahasa ng dentistang may-ari ng klinika at paggapos sa mga kasamahang dentista na pawang tinangayan pa ng mahahalagang kagamitan, cellphone at pera na tinatayang nasa P200-libo sa Paco, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kahapon ay isinumite na sa Manila Police District-Women and Children Concern Division ng biktimang itinago sa pangalang “Mary”, 47, dentista, ang medico-legal certificate na nagsasaad na ginahasa ito ng hindi pa kilalang suspect na kaniyang pasyente, dakong alas-4:00 ng hapon.

Nabatid na nagpa-pasta ng ngipin ang nasabing suspect at matapos iyon ay umistambay sandali sa klinika at nang makitang nakaalis na ang iba pang pasyente ay nagkunwaring magpapabunot naman ng ngipin. Nang pauupuin na umano muli sa dental chair ay inilabas nito ang kaniyang baril, tear gas at patalim at nagdeklara ng holdap bago mabilis na ini-lock ang pintuan ng klinika, ibinaba ang accordion type na divider.

Mabilis ding iginapos nito ang dalawang associate den­tists at ang 47-anyos na may-ari ng klinika at dentist ay iginapos sa dental chair at doon ginahasa.

Ayon sa biktima, kilala niya ang pasyente sa mukha dahil naging pasyente na niya ito dati pa.

AYON

ISANG

KAHAPON

KLINIKA

MABILIS

MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN CONCERN DIVISION

MAYNILA

NABATID

NANG

PASYENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with