2 karnaper huli sa akto

MANILA, Philippines -  Huli sa akto ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang karnaper matapos ituro ng kanilang mga kapitahay na nagbabaklas ng mga parte ng kotse na kanilang ninakaw sa Sta.Mesa, Maynila, inulat kahapon. Hindi na nakapalag pa matapos dakpin habang binabaklas ang isang nakaw na Kia Pride na maroon (PTJ-947) ang mga suspect na sina Marvin Padolina, 45, at   Oliver Pagan, 31. Ayon sa ulat, dakong alas-5 ng hapon nang magtungo sa pulisya ang isang Leonard Cuyugan, 29, binata ng Altura St., Sta. Mesa, upang ipagbigay alam ang pagkawala umano ng kanyang sasakyan na Kia Pride at sa impormasyong ibinigay umano ng mga kapitbahay ni Padolina ay binabaklas umano ito kaya tinungo ang lugar kung saan naaktuhan ang pagbabaklas ng mga suspect. Nabatid na ipinarada umano ni Cuyugan ang nasabing sasakyan sa pagitan ng alas-3 ng hapon ng Martes sa harap ng bahay ng kanyang kapatid sa Buenos Aires st., Sta. Mesa nang mawalang parang bula.

Show comments