^

Metro

Napagkamalang informer ng pulis, itinumba sa Quiapo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hinihinalang pinagkamalang ‘police informer’ ang isang hindi pa kilalang lalaki na binaril sa ulo at agad na binawian ng buhay sa Islamic Area sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ang biktima sa edad na 33 hanggang 37; may taas na 5’7’’, kayumanggi, payat, naka-maong pants at t-shirt na itim na may naka-print na “Tau Gamma Taguig City Chapter”.

Wala pang makuhang testigo sa krimen upang matukoy ang responsable sa pamamaril at pagkamatay ng biktima.

Sa inisyal na ulat, naganap ang nasabing insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng Muelle dela Quinta malapit sa panulukan ng Carlos Palanca Sr. Sts., sa Quiapo.

Sinabi ng isang Amir Kasan, kagawad sa Barangay 384 Zone 39, Globo de Oro St., Quiapo, nakarinig siya ng malakas na putok ng baril sa hindi kalayuan sa tinatayuan niyang lugar.

Nang magtungo sa pinagmulan ng putok ay nakita ang isang lalaking nakabulagta sa kalye na may tama ng bala sa ulo.

Nakarekober ng basyo ng bala ng kalibre 45 baril ang mga awtoridad.

Posibleng may kinalaman umano sa talamak na iligal na droga sa lugar ang nasabing insidente at maaring pinagkamalang asset ng pulisya ang biktima. Ang labi ay inilagak sa St. Yvan Funeral Homes.    

AMIR KASAN

CARLOS PALANCA SR. STS

GLOBO

HINIHINALANG

INILARAWAN

ISLAMIC AREA

ORO ST.

TAU GAMMA TAGUIG CITY

YVAN FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with