MANILA, Philippines - Patay ang isang rider habang sugatan naman ang angkas nito makaraang araruhin ng isang dump truck at bus ang kanilang motorsiklong sinasakyan kamakalawa sa Que zon City.
Kinilala ni P/Chief Insp. Virgilio Ramirez, hepe ng Traffic Sector 2, ang biktima na si Cosme Baluca Jr,, 45, may -asawa at nakatira sa Block 10, Lot 10, Lupang Arienda, Taytay, Rizal.
Dead-on-the-spot sa lugar si Baluca dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan, habang ang angkas nitong si Juan Olarte, 40, foreman, ay itinakbo naman sa East Avenue Medical Center (EAMC) kung isaan ito nilapatan ng lunas.
Hawak naman ng TS2 ang driver ng Isuzu garbage truck (URW-141) na si Dino Aquiban, 27 ng Visayas St., Lupang Pangako, Brgy. Payatas, Quezon City.
Inireklamo din siya ng driver ng Joyselle Bus (RRV-485) na si Enrique Gamayon, 33 ng Manga St., Sapote, Novaliches, ma tapos na masangkot din sa naturang insidente.
Sa pagsisiyasat ni PO3 Ferdinand Paglinawan, may hawak ng kaso, nangyari ang aksidente sa may Belfast Ave.Brgy. Pasong Putik, Novaliches, ganap na alas-8 ng gabi.
Binabaybay ng truck ni Aquiban ang lugar nang biglang mawalan ito ng preno pagsapit sa tapat ng Ysablle Bldg., kung saan tiyempo namang nakahinto ang Suzuki motorcycle (OU-5886) ng mga biktima at ng naturang bus at salpukin ang una.
Sinasabing sa bilis ng takbo, matapos salpukin ng dump truck ang motorsiklo ng mga biktima ay kinaladkad pa niya ito patungo sa Joyselle bus, kung saan na tumalsik si Baluca at masagasaan.
Sa pangyayari, ayon pa sa pulisya, nagmistulang palaman ng dalawang dambuhalang sasakyan ang motorsiklo ng mga biktima kung saan si Baluca ay nagtamo ng labis na pinsala sa kanyang katawan at agad na nasawi.
Nakapiit ngayon sa TS2 ang driver ng dump truck habang inihahanda ang kasong reckless imprudence re sulting in homicide at physical injury with damage to property laban sa kanya.