^

Metro

Inararo ng dump truck: Rider patay, 1 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider habang sugatan naman ang angkas nito makara­ang araruhin ng isang dump truck at bus ang ka­nilang motorsiklong sina­sakyan kamakalawa sa Que­ zon City.

Kinilala ni P/Chief Insp. Virgilio Ramirez, hepe ng Traffic Sector 2, ang biktima na si Cosme  Baluca Jr,, 45, may -asawa at nakatira sa Block 10, Lot 10, Lupang Arienda, Taytay, Rizal.

Dead-on-the-spot sa lugar si Baluca  dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan, habang ang angkas nitong si Juan Olarte, 40, foreman, ay iti­nakbo naman sa East Avenue Medical Center  (EAMC) kung isaan ito nilapatan ng lunas.

Hawak naman ng TS2 ang driver ng Isuzu garbage truck (URW-141) na si Dino Aquiban, 27 ng Visayas St., Lu­pang Pa­ngako, Brgy. Pa­yatas, Quezon City.

Inireklamo din siya ng driver ng Joyselle Bus (RRV-485) na si Enrique Gamayon, 33 ng Manga St., Sapote, Novaliches, ma­ tapos na masangkot din sa naturang insidente.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Ferdinand Paglinawan, may hawak ng kaso, nangyari ang aksidente sa may Belfast Ave.Brgy. Pasong Putik, Novaliches, ganap na alas-8 ng gabi.

Binabaybay ng truck ni Aquiban ang lugar nang biglang mawalan ito ng preno pagsapit sa tapat ng Ysablle Bldg., kung saan tiyempo namang naka­hinto ang Suzuki motorcycle (OU-5886) ng mga biktima at ng naturang bus at salpukin ang una.

Sinasabing sa bilis ng takbo, matapos salpukin ng dump truck ang motorsiklo ng mga biktima ay kinaladkad pa niya ito patungo sa Joyselle bus, kung saan na tumalsik si Baluca at masagasaan.

Sa pangyayari, ayon pa sa pulisya, nagmistulang palaman ng dalawang dambuhalang sasakyan ang motorsiklo ng mga biktima kung saan si Baluca ay nagtamo ng labis na pinsala sa kanyang katawan at agad na nasawi.

Nakapiit ngayon sa TS2 ang driver ng dump truck habang inihahanda ang kasong reckless imprudence re­ sulting in homicide at physical injury with da­mage to pro­perty laban sa kanya.

vuukle comment

BALUCA

BALUCA JR

BELFAST AVE

BRGY

CHIEF INSP

DINO AQUIBAN

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ENRIQUE GAMAYON

FERDINAND PAGLINAWAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with