^

Metro

Leviste 'kakanta' sa DOJ probe ngayon

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni   Jus­tice Undersecretary Francisco Baraan III na  handa si dating Batangas Gov. Antonio Leviste na isiwalat ang lahat ng mga nalalaman nito at buong pangyayari kaugnay sa kaso ng kaniyang paglabas-masok sa New Bilibid Prison (NBP) kahit walang kaukulang pahintulot.

Ayon kay Baraan, si Leviste, mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) at New Bilibid Prisons mismo ang haharap nga­yon sa binuong fact-finding panel ng DoJ.

Sinabi ni Baraan na nag­ pahayag ng kanyang  pagnanais si Leviste na humarap sa panel upang isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman at kung paano siya nabigyan ng  pribilehiyo.

Palalawakin din nila ang imbestigasyon para sa reporma na gagawin sa pri­son system, dahil marami na umanong hindi applicable sa mga regulasyon.

Maliban umano kay Le­viste, inaasahan din na pagpapaliwanagin sa pag­dinig si BuCor Dir. Ernesto Diokno.

Ang hearing ay gagawin sa tanggapan ng BuCor at ito ay magiging bukas sa media coverage.

Si Leviste ay inaresto ng mga tauhan ng Na­tional Bureau of Investigation (NBI) matapos na mahu­ling lu­ma­ bas ng Bilibid noong nakaraang linggo nang walang pahintulot.

Kinasuhan na rin ito ng panibagong kaso na evasion of service of sentence dahil sa pangyayari.

Una ng inamin ng DoJ na hindi na bago ang isyu hinggil sa sinasabing “special treatment” ng ilang prison officials sa mga high-profile inmates.

“Money and political influence are still being used to be in a better si­tuation than the others,” ani Baraan.

ANTONIO LEVISTE

BARAAN

BATANGAS GOV

BUREAU OF CORRECTIONS

BUREAU OF INVESTIGATION

ERNESTO DIOKNO

LEVISTE

NEW BILIBID PRISON

NEW BILIBID PRISONS

SHY

SI LEVISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with