Kelot pisak sa 10-wheeler truck

Manila, Philippines - Pisak ang bungo at kumalat pa ang utak at dugo sa kalsada ng isang  36 anyos na lalaki nang mahagip at magulungan ng 10-wheeler  truck  kahapon ng umaga sa Quirino Highway, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni Chief Inspector Virgilio Ramirez, hepe  ng Traffic Sector 2 , ang biktimang si Cerilo Batoto, ng Phase 4, Package 3, Blk. 9, Lot 70, Bagong Silang Caloocan City.

Kusang-loob namang sumuko ang driver ng trak (RFV-485)  na si  Remedio Correa, 53, ng #18 Doña Ana, Caloocan City.

 Sa imbestigasyon ni PO3  Ferdinand Paglinawan, dakong alas-11 ng umaga naganap ang sakuna  sa kahabaan ng Quirino Ave, Novaliches, habang galing sa Mindanao Ave. ang nasabing truck at binabaybay ang Quirino Ave. nang bigla  na lamang nahagip at nagulungan ang minamanehong bisikleta ni Batoto.

Show comments