^

Metro

8 Taiwanese na sangkot sa cyber crime huli ng NBI

Nila - Ludy Bermudo at Lordeth Bonilla -

Manila, Philippines - Walong Taiwanese national ang nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) nang salakayin ang isang bahay na mistulang call center at pinaniniwalaang gamit sa cyber crime tulad ng  credit card fraud, lottery scam at phishing scam sa Valle Verde IV, Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay NBI-National Capital Region (NCR) director,  Atty. Constantino Joson, ang kanilang isinagawang surveillance at pagdakip sa mga nasabing dayuhan ay bunsod ng kahilingan na rin ng Taiwan Economic Cultural Office at Taiwan Police na may sindikatong sangkot sa mga cyber crime ope­rations sa Pilipinas na ang mga binibiktima ay kanilang kababayan sa Taiwan.

Nabatid na tatlong buwan ang ginawang pagsubaybay sa mga dayuhang nakumpirma na umuupa sa isang bahay na nilagyan ng ma­raming computer.

Ilan sa palatandaan na may paglabag sa Access Device Regulation Act of 1998 ang mga suspect dahil sa paggamit nila ng intertwined internet cables at pagkakaroon ng mala­laking phone bills kaya patuloy pa ang imbestigasyon kung sila ay positibong nasa cyber crimes tulad ng credit card fraud, lottery scam at phishing scam.

Hindi muna ibinunyag ang mga pangalan ng mga dayuhan na nasa NBI detention cell ngayon matapos makita ang mga pekeng passports at identification cards ng mga ito.

Isa lamang umano ang grupong natimbog sa sampung grupo na kanilang tinutugis hinggil sa sina­sabing cyber crime operations sa bansa.

Maluwag umano ang batas sa Pilipinas kaya napipili na lamang ng mga sindikatong tulad nito, na mag-base sa bansa sa kanilang operasyon.

Kabilang sa mga nakum­piska sa mga Tai­wanese ay laptops, desktop com­puters, flash drives, manual o template ng modus.

Samantala, arestado rin ang tatlong Taiwanese national matapos ireklamo ng kasong human trafficking ng isa sa apat na Chinese nationals na kanilang ni-recruit kahapon sa Makati City.

Sina Pang Shao Yo, 33; Jing Shao Wang, 41; at Chang Yi Neng, 30, na pan­sa­­­mantalang nanunuluyan sa no. 1983 Spring St. San Miguel Village, Makati ay positibong itinuro ng biktimang si Inquon So, 44, ng Alpha Hotel sa Roxas Blvd., Pasay City.

Sa imbestigayon ng pu­lisya, ni-recruit ng mga suspect ang biktima kasama ang tatlong iba pa mula sa China patungong Pilipinas dahil pinangakuang bibigyan ng trabaho subalit hindi natupad.

Ikinulong ng mga suspect ang biktima sa bahay na ka­nilang tinutuluyan su­balit nakatakas at nagsumbong sa mga awtoridad.

ACCESS DEVICE REGULATION ACT

ALPHA HOTEL

CHANG YI NENG

CONSTANTINO JOSON

INQUON SO

JING SHAO WANG

MAKATI CITY

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with