^

Metro

Motorsiklo sumalpok sa poste: 1 dedo,1 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines- Isang seaman ang patay habang sugatan naman ang kasama nito nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang lamp post sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Abdon Agura, 36, ng Freedom Park 2, Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Ayon sa ulat, si Agura ay nagtamo ng matinding pin­sala sa kanyang katawan nang sumalpok ang sinasak­yan niyang Motor Star motorcycle (1182NT) sa isang kongkretong poste sa may bangketa sa kahabaan ng IBP Road sa Brgy. Batasan Hills.

Si Agura ay naitakbo pa sa East Avenue Medical Center (EAMC) pero idineklara din itong dead-on-arrival.

Ang kasamahan niyang si Mark Genesis Madriega, 27, ay nagtamo naman ng mga sugat sa katawan sa na­sabing insidente. Si Madriega na isa umanong miyembro ng AFP ay dinala sa V. Luna General Hospital sa nasabi ring lungsod.

Sa pagsisiyasat ang mga biktima ay sakay ng naturang motorsiklo at tinatahak ang IBP Road galing sa direksyon ng Filinvest II at patungong San Mateo Road, ganap na ala-1:45 ng madaling-araw nang bigla na lamang mag­loko ang kanilang sasakyan at sumalpok sa lamp post na nakatayo sa nasabing lugar.

Ang malakas ng impact ang siyang dahilan para ma­tinding mapinsala ang ka­ta­wan ng biktimang si Agura at ikasugat naman ng kanyang kasama.   

vuukle comment

ABDON AGURA

BATASAN HILLS

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FREEDOM PARK

LUNA GENERAL HOSPITAL

MARK GENESIS MADRIEGA

MOTOR STAR

SAN MATEO ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with