^

Metro

Krimen inaasahang lolobo

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Lumolobo ang mga insi­dente ng street crime tulad ng mga holdapan, cellphone snatching, pandurukot atbp partikular na sa mga university belt sa tuwing magbubukas ang klase sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Dahil dito, inatasan ni PNP Chief Director Gene­ral Raul Bacalzo ang mga regional directors para nga­yon pa lamang ay ikasa na ang ‘Oplan Balik Eskuwela’ kaugnay ng ipatutupad na seguridad sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

Sa tala ng PNP, sinasamantala ng mga elementong kriminal na mambiktima ng mga estudyante lalo na at magtu-tuition na naman ang mga ito.

Sa Metro Manila na lamang ay maraming mga estudyante ang nai-blotter ng pulisya na naging biktima ng mga masasamang elemento.

Samantalang pinayuhan rin ng PNP ang mga estud­yante na isagawa ang kaukulang pag-iingat at sundin ang ‘safety tips’ ng mga awtoridad para makaiwas na mabiktima ng mga elementong kriminal.

CHIEF DIRECTOR GENE

DAHIL

LUMOLOBO

OPLAN BALIK ESKUWELA

RAUL BACALZO

SA METRO MANILA

SAMANTALANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with