40 kaskaserong bus driver huli, car plates kumpiskado

MANILA, Philippines - Umaabot sa 40 driver’s license at plaka ng mga bus ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng LTO, LTFRB, DOTC at PNP-HPG sa tinaguriang ‘Run After Speed Violator’ (RASV ).

Ang RASV ay pinamumunuan ni DOTC Usec for Land Transport Dante Velasco at tumatayong team leader nito si dating LTO Chief Bert Suansing na siyang consultant ngayon ng ahensya.

Ang naturang mga huli ay mula sa unang gabi ng operasyon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Sinabi ni Suansing na unang target ng operasyon ang kahabaan ng Commonwealth at susunod sa kahabaan ng EDSA at Quezon Avenue sa lungsod.

“Niliwanag din ni Suansing na hindi lamang passenger bus ang target nila kundi lahat ng sasakyan, pampasahero man o pribado na lumalampas sa 60 kilometer speed limit ang takbo sa naturang mga lugar.

Show comments