^

Metro

MMDA humirit sa road users tax

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dahil sa kakulangan sa pondo, umaasa ngayon si Metro­po­lita­n Manila Deve­lopment Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na mabibig­yan sila ng bahagi ng “Road Users Tax” upang ma­gamit nila para sa pagbili ng mga kagamitan at pagdarag­dag ng mga traffic enforcers sa pangunahing mga kalsada sa Metro Manila.

Sinabi ni Tolentino na ma­laki ang maitutulong ng ayuda sa pondo para sa pagpapataas ng kalidad ng kanilang “traffic signal system” lalo na sa mga pinakamapapanganib na kal­sada tulad ng Commonwealth Highway sa Quezon City.

Bukod pa dito, makakabili rin sila ng karagdagang “speed radar gun” na gamit nila para ma-monitor ang bilis ng takbo ng mga sasakyan. Kasalukuyang may dalawa lamang na naturang equipment ang MMDA na hindi pa nila umano madagdagan dahil sa kapos na sa pondo.

Muli namang ipinatupad kamakalawa ng MMDA ang “contact apprehension policy” kung saan agad na paparahin at titikitan ng mga traffic enforcers ang mga motoristang mahuhuli sa aktong lumalabag sa batas-trapiko. Higit sa 80 traf­fic violators ang agad na na­huli ng mga en­forcers sa Commonwealth Avenue ma­tapos namang masawi rito ang beterang mamamahayag na si Chit Estella dahil sa pagbangga ng bus sa sinasakyan nitong taksi.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHIT ESTELLA

COMMONWEALTH AVENUE

COMMONWEALTH HIGHWAY

MANILA DEVE

METRO MANILA

QUEZON CITY

ROAD USERS TAX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with