Lasing na kelot hulog sa overpass
MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang kalasingan, isang lalaki ang nasa malubha ngayong kalagayan matapos na mahulog mula sa overpass saka bumagsak sa isang owner-type jeep sa lungsod Quezon kahapon.
Ang biktima na kinilalang si Shada Ethusalem, 27, ng Saint Jude St. Villa Maria Subdivision, Caloocan City ay ginagamot ngayon sa East Avenue Medical Center sanhi ng pinsalang natamo nito sa kanyang katawan.
Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may overpass ng Cubao ganap na alas-4:20 ng madaling-araw.
Sinasabing sa labis na kalasingan ay nakatulog ang biktima sa concrete barrier ng overpass sa may Monte de Piedad St., Cubao kung saan nang umikot ito patagilid ay aksidenteng nahulog na bumagsak sa harapan ng isang owner-type jeep (TLA-603) na minamaneho ni Henry Soriano.
Binabagtas umano ni Soriano ang kahabaan ng EDSA patungo ng Aurora Blvd. nang bumagsak sa kanyang sasakyan ang biktima.
- Latest
- Trending