^

Metro

Dominguez brothers pinalilipat na sa Camp Bagong Diwa

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinagbigyan ng QC Court ang kahilingan ng jail warden ng Quezon City na mailipat ang lahat ng akusado sa Evangelista carnap-slay sa Metro Manila District Jail, sa Camp Bagong Diwa, Taguig City dahil sa matinding banta sa seguridad ng QC Jail (QCJ) sa pananatili rito ng mga akusadong sina Raymond at Roger S. Dominguez at Jason N. Miranda.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, sa bisa na rin ng kautusan ng hukuman, inilipat ang hinihinalang mga carjack gang leaders at member mula sa Camp Crame patungo sa QCJ dahil hindi naman umano regular na piitan ang pasilidad ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

“Acting on the letter of the jail warden of Quezon City dated May 4, 2011, requesting for the transfer of all the accused to the Metro Manila District Jail, Camp Bagong Diwa, Taguig City…” ani QC Regional Trial Court (QC RTC) Branch 215 Judge Ma. Luisa C. Quijano-Padilla na inilabas kamakailan.

Samantala, hindi naman pinagbigyan ang mosyon ni Alfred Mendiola na agaran nang magpalabas ng desisyon ang korte sa inihaing “petition to discharge” ng nasabing akusado at ng prosekusyon nang hindi na dumadaan sa pagdinig.

Itinakda ang pagdinig para sa petisyon ni Mendiola sa darating na Lunes, Mayo 23, dakong alas-2 ng hapon sa sala ni Judge Quijano-Padilla sa QC Hall of Justice Annex sa QC Hall Complex.

 Ang nasabing mga akusado ay suspect sa pagpaslang sa car dealer na si Venson Evangelista na naganap noong Enero, 2011.   

ALFRED MENDIOLA

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

HALL COMPLEX

HALL OF JUSTICE ANNEX

JASON N

JUDGE MA

METRO MANILA DISTRICT JAIL

QUEZON CITY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with