^

Metro

Dinukot na beybi nabawi, mag-live-in, timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - “Takot akong iwan ng live-in partner ko, kaya kinidnap ko ’yung sanggol!” Ito ang ginawang pag-amin kahapon ng nasakoteng kidnapper na si Lanie Francisco na bagsak kalaboso kasama ang live-in partner nitong si Abelardo Gabriel sa tanggapan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Anti-Organized­ Crimes Division (PNP-CIDG-AOCD) sa Camp Crame.

Ito’y kasunod ng pagkakaligtas sa 3-buwang sanggol na si Jillian Crystal Jugos na kinidnap ni Franciso sa ina ng sanggo­l na si Dialen Robelo, 30, ng Villa Raymundo, Nagpayong Centennial II, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City noong Mayo 6 ng taong ito.

Ayon kay Sr. Supt. Ronald Estilles, Chief ng CIDG-AOCD, ang bata ay nailigtas ng kanyang mga tauhan kamakalawa dakong alas-2 ng madaling-araw sa raid sa Brgy. Poblacion, Luna, Apayao na nagresulta rin sa pagkakasakote sa mag-live-in partner. Sinabi ni Estilles na iniimbestigahan na ngayon ng CIDG-AOCD kung sangkot ang mag-live-in partner sa kaso ng pagbebenta ng mga sanggol na kinikidnap.

Lumilitaw pa sa isinagawang imbestigasyon na pinalitaw ni Francisco na anak ng kanyang live-in partner ang sanggol upang hindi umano siya iwan ng nasabing lalaki matapos na umano’y malaglag ang ipinagbubuntis at hanapan siya nito ng anak. Gayunman, duda ang pulisya sa alibi nito. Inaalam din kung kasabwat si Abelardo sa pagtangay sa sang­gol para sampahan din ito ng kasong kidnapping.    

vuukle comment

ABELARDO GABRIEL

BRGY

CAMP CRAME

CRIMES DIVISION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-ANTI-ORGANIZED

DIALEN ROBELO

JILLIAN CRYSTAL JUGOS

LANIE FRANCISCO

NAGPAYONG CENTENNIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with