MANILA, Philippines - Nagtalaga ng karagdagang puwersa ang Manila Police District (MPD) sa labas ng US Embassy sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila bilang paghahanda sa mga bantang kilos-protesta ng ilang militanteng grupo kaugnay sa pagkondena sa pamahalaan sa pagdaong sa bansa ng USS Carl Vinson aircraft carrier o barkong pandigma ng Amerika na pinagsakyan umano sa bangkay ni Osama bin Laden. Sinabi ni C/Insp. Erwin Margarejo, tagapagsalita ng MPD, bukod sa regular na naka-detail na anti-rally police sa US Embassy, dinagdagan pa ito upang mas mabantayan ang posibleng pagsiklab ng kilos-protesta. Ito’y dahil sa inaasahan na umano na uulan ng pagbatikos at rally ang napaulat na personal na pagbisita ni Pangulong Noynoy Aquino sa nakadaong na warship na USS Carl Vinson sa Manila Bay.