^

Metro

2 holdaper todas sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang holdaper ang iniulat na napatay matapos makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa tapat ng gasolinahan sa Pandacan, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homi­cide Section ang dalawang napaslang na may edad 25 hanggang 30, may mga tattoo sa katawan at kapwa armado ng cal.22 revolver.

Sa ulat ni SPO2 Edmundo Cabal, naganap ang shootout dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa panulukan ng Mendoza Street at Quirino Avenue sa Pandacan.

Lumilitaw na may tumawag sa MPD-District Tactical Operation Center kaugnay sa 2 lalaki na kahina-hinala ang kilos sa tapat ng gasolinahan ng Caltex kung saan ibinato naman ang impormasyon sa MPD-station 10-Pandacan.

Kaagad namang rumes­ponde ang mga tauhan ni P/Supt. Remigio Sedanto kung saan namataan ang dalawang lalaki na nakatayo ay animo’y may hinihintay.

Tinangkang sitahin ng pulisya ang dalawa subalit bago pa sila makalapit para kapkapan ay namaril ang mga suspek kaya ginan­tihan nila ito ng putok.

ARMAND MACARAEG

CALTEX

DALAWANG

DISTRICT TACTICAL OPERATION CENTER

EDMUNDO CABAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

MENDOZA STREET

PANDACAN

QUIRINO AVENUE

REMIGIO SEDANTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with