^

Metro

Call center agent nanikwat ng cell phone arestado

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hindi­ napigilan ng isang call center­ agent ang sarili, kaya nagawang pagnakawan ng cellphone ang kaniyang kasamahan sa trabaho kaya nadakma ng pulisya sa Mandaluyong City noong Sabado ng gabi.

Sising-alipin naman ang suspek na si Jason Tumbali, 23, kawani ng Teleper­formance sa EDSA Central at naninirahan sa Dave St., Hillcrest Village, Novaliches, North Caloocan City.

Si Tumbali ay inireklamo dahil sa pagnanakaw sa LG brand model GM3601 cellphone ng kanyang kasamahan sa trabaho na si Jere­mae Boboran, 22, dalaga, ng Banahaw St.sa Highway Hills, Mandaluyong City.

 Hindi naman nakapa­lag pa at sa halip ay umamin sa kasalanan ang suspek, dahil naaktuhan sa CCTV camera ang ginawang pagnanakaw.

Sa reklamo ni Boboran kay PO3 Joemer Puzon, dakong alas-7:30 ng gabi nang madiskubre nito na nawawala sa locker­ ang kanyang cellphone.

Tinanong ng biktima ang mga kasamahan, kabilang ang suspek ngunit walang umamin kung sino ang kumuha ng cellphone, kaya’t nagsumbong na ito sa kanilang security, at dito natuklasan sa record ng CCTV na ang suspek ang magnanakaw.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na posibleng may sakit na ‘kleptomaniac’ ang suspek dahil ayon na rin mismo sa kaniya, alam niyang­ masama ang magnakaw subalit hindi niya napigilan ang sarili na gawin ito.

vuukle comment

BANAHAW ST.

BOBORAN

DAVE ST.

HIGHWAY HILLS

HILLCREST VILLAGE

JASON TUMBALI

JOEMER PUZON

MANDALUYONG CITY

NORTH CALOOCAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with